Wednesday, December 9, 2009

Came To My Rescue

Came To My Rescue
Marty Sampson, Joel Davies, Dylan Thomas


Falling on my knees in worship
Giving all I am to seek Your face
Lord all I am is is Yours

My whole life I place in Your hands
God of mercy Humbled I bow down
In your presence at Your throne

I called You answered
And You came to my rescue and I,
I wanna be where You are

In my life be lifted high
In our world be lifted high
In our love be lifted high

Wednesday, November 18, 2009

Lalaki Sa Buhay Ko Part 1

Andrew

1990, sa Tarlac First Baptist Church School, typical na Christmas party ng isang Kinder Class ang naganap. Isip bata pa ako nung mga panahong ito. Actually, bata pa naman talaga, 6 years old. May parlor games, special number ng mga classroom groups, at ang pinakahihintay ng lahat na exchange gift. Ewan ko ba kung bakit sa dinami dami ng activities sa isang Christmas party, ang exchange gift ang pinaka-aabangan ng lahat sa okasyon na ito. Marahil sa tatlong bagay. Una, dahil gusto mong malaman kung magugustuhan ng monito/monita mo ang binili mong regalo para sa kanila, pangalawa, gusto mo ng malaman kung sino ang nakabunot sa'yo, at pangatlo, dahil excited ka ng matanggap ang regalo na para sa'yo. Ang susunod na d'yan ay kung matutuwa ka sa natanggap mo, o madidismaya ka na para bang gusto mo na lang ito itapon sa basurahan, o ibabalot na lang ito ulit para gamitin sa ibang Christmas party bilang pang exchange gift muli para makaganti naman sa iba.

Sa totoo lang, isa ako sa mga biktima na chaka ang natatanggap tuwing may exchange gift. Lagi akong dismayado. Mapapatunayan yan ng Mama ko dahil nagrereklamo ako sa kanya tuwing umuuwi akong luhaan. Pero sa pagkakataong ito, masaya ako! Masaya hindi dahil natuwa ako sa regalong natanggap ko, kundi dahil sa nakakaaliw na twist na ginawa ng guro ko sa pagpapalitan namin ng gifts. Inayos ng magkakahilerang paikot ang upuan ng classroom na magkakaharap kaming lahat. Tumawag s'ya ng isa kong kaklase upang magsimula ng pagbibigay ng kanyang regalo sa kanyang nabunot. Kailangan n'yang lumibot sa loob ng pabilog na ayos ng mga silya habang inaabangan namin kung saan at kanino s'ya tatapat sa amin para iabot ang regalo. Matapos maiabot ang regalo sa kinauukulan, s'ya naman ang susunod na tatayo at maglilibot para ipagpatuloy ang exchange gift.

Naputol ang chain ng magkapalitan ng regalo ang dalawa kong kaklase. Nagtanong ang aking titser kung sino ang gustong magsimula ng panibagong chain. Nagtaas ako ng kamay dahil bata pa lang ako ay medyo may pagkama-epal na din ako at atat sa lahat ng bagay. Masyadong madali kasi akong datnan ng pagkainip. Pinatayo ako ng aking guro at ako na ang nagpatuloy ng eksena. Kagaya ng iba, umikot ako sa harapan ng nakapalibot kong mga kaklase, habang humahanap ng lakas ng loob upang iabot na sa kanya ang aking regalo. Hanggang sa, lumapit na ko sa kanya, at ibinigay ang gift ko, sabay halik sa pisngi ni Andrew. Tama, hinalikan ko si Andrew sa pisngi. Hindi ko lang binanggit kanina na kasama yun sa mechanics na binigay sa amin ng aming guro. Bumalik na ko sa aking upuan nang biglang nasa likod ko pala si Andrew at biglang hinalikan ako sa right cheek na dumampi pa ang lips n'ya sa gilid ng aking lips sabay abot ng korteng tube na nakabalot ng christmas gift wrapper. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo sa mga oras na yon. Siguro dahil sa kiss ni Andrew. Hindi ko maipaliwanag, pero ang alam ko lang ay masaya ako. Hanggang sa magising ako sa katotohanan na, excited pala akong makita kung ano ang natanggap ko sa pinakaunang exchange gift na na-experience ko sa aking talambuhay. Dali-dali kong binuksan ang hugis tube na medyo malambot ang 2/3 na part at matigas ang natitirang 1/3 na parte. Hindi umabot ng 20 seconds at tumambad na sa akin ang isang bimpo na color pink at isang pulang-pulang mansanas. Dito nagsimula ang lahat ng aking kamalasan pag dating sa kris kringle, monito/monita, baby baby, o mas kilala na exchange gift.

Si Andrew na aking monito, na nagkataong ako din ang kanyang monita, ang unang nagpalungkot sa akin sa larangan ng exchange gift. Mga 2 minutes din ako naging matamlay ng araw na yon, pero ng maalala ko ang mga pangyayari at drama naming dalawa, na kami ang nagkabunutan ng pangalan at may pakis-kiss pa sa cheek, ay napalitan na ng ngiti ang aking mga nakasimangot na labi.

Simpleng kinilig ako, medyo napangiti, nakakatuwa, nakakapagpalimot ng lungkot. Yun pala yon! Si Andrew, ang unang lalaking nagpakilig sa akin. Hindi ako in love. Masaya? Oo! Di pala kailangan close kayo o lagi mo s'yang makakausap para masabi mong crush mo ang isang tao. Maaring sa unang pagkikita n'yo pa lang, o di kaya'y mapansin mo lang bigla na cute pala s'ya, o baka naman bigla kang may nakitang magandang bagay na ginawa n'ya kaya ka nagkakagusto sa isang tao. Sa pagkakataong ito, ang sitwasyon kung saan masasabi kong malas ako, ang exchange gift na nagbibigay sa akin ng irita dahil sa mga natatanggap kong regalo, ang naging dahilan ng pagkakaroon ko ng unang crush, at yan ay si Andrew. The end.

Wednesday, November 11, 2009

Pipi?


Gaano nga ba kahalaga sa isang tao ang makapagsalita at masabi sa mga nakapaligid sa kanya kung ano ang ang laman ng isip n'ya o opinyon n'ya sa isang sitwasyon? Malamang-lamang na halos lahat ng nagbabasa ngayon ay sasabihing, "OO, MAHALAGA! ANO BANG KLASENG TANONG YAN?". Pwes, tama naman ang sagot n'yo! Wag magalit kung parang walang kwenta ang tinanong ko sa inyo. Kung gusto n'yo pa malaman kung bakit yan ang tanong ko, edi patuloy n'yo na lang basahin itong sulat ko ngayong araw na ito. Kung hindi naman ay wag ng mahiyang i-close ang window ng blog ko.

Okay, simulan na natin ang kwento. Ganito kasi yan, ngayong araw na ito, halos wala na akong boses. Hindi ako makapagsalita ng maayos at hirap akong iparating sa mga kasamahan ko sa trabaho kung anuman ang gusto kong sabihin sa kanila. Badtrip! Halos pumipiyok ako sa sobrang hirap magsalita. Pakiramdam ko, isa akong pipi. Parang piping tahimik at walang imik. Kapag nag-uusap usap ang mga tao sa paligid ko, gusto ko mang magbigay ng opinyon, parang ang hirap hirap at hindi nila gaano maintindihan ang mga sinasabi ko. Kaya ito, sinubukan ko na lang magsulat patungkol sa mga ideya na biglang naglaro sa isip ko. Mga bagay na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Pipi. Ang kawalan ng abilidad upang makapagsalita. Pagkabihag sa isang kapansanan. Meron lang akong gustong itanong sa inyo ngayon: Pipi nga lang ba ang walang abilidad na magsalita, o pati ang mga taong walang kapansanan na piniling mawalan ng karapatan ang sarili upang maging malaya? Naaalala mo ba ang mga eksenang ito: 1) Nung ikaw ay bata pa, kapag pinagsabihan ka ng magulang mo, nakikinig ka lang at hinahayaan mo na lang sila na pagalitan ka o payuhan ka dahil wala kang karapatan na sagutin sila dahil sila ay iyong mga magulang? Nung tumagal-tagal, unti-unti mong napapansin na natututunan mo ng sumagot sa kanila dahil gusto mong malaman nila kung ano ang iyong saloobin at nararamdaman. Sa pagkakataong ito - pinili mong malayang ibahagi ang iyong kaisipan. 2) Nung nagsisimula ka pa lang mag-aral sa paaralan, ang tingin mo sa mga sinasabi ng iyong guro ay panay tama. Habang tumatagal ay napapaisip-isip ka at natututunan mo munang suriin ang mga binibitiwan nilang salita bago ka maniwala. Nagpapahayag ba ito ng pagiging malaya? Tama! - ang pagbibigay mo ng kalayaan sa iyong sarili upang pumili ng tama o mali. 3) E ano naman ang masasabi mo sa eksenang nakapagsinungaling ka sa isang tao. Hindi ba't ang hirap ng feeling? Lalo na kapag pinili mong itago na lang ito sa kanya. Pero may mga pagkakataon naman na inaamin natin ang ating pagsisinungaling sa taong napagsinumgalingan natin. - ang pagpili nating maging malaya mula sa pagkakabihag sa kasinungalingan. Ilan lang yan sa mga halimbawa ng gusto kong ipahiwatig ngayong araw na ito. Pero may mas higit pa akong pakay sa pagsusulat ng mensaheng ito.

Isa pang tanong. Pasensya kung matanong akong tao. Pero bago pa mas lalong humaba ang usapan, itatanong ko na ang huli kong katanungan. Rehistradong botante ka na ba? Nalalapit na naman ang halalan. Isa ka ba sa nagbaliwala ng karapatang pumili ng panibagong mamumuno sa pamahalaan ng ating bansa? Aminado ako, wala din akong pakiaalam noon. Umabot ako ng 25 years old bago ko naisipan na maaaring ako ang maging simula ng pagbabago. Iniisip kasi natin na isang boto lang naman ang bilang na ating maiaambag sa halalan. Pero naisip ba natin na, sa isang bilang na ating ibabahagi ay maaring makapagbago ng sitwasyon ng ating bansa? Ang malaking bagay ay nagsisimula sa maliit. Ang maliit ay magkakaroon ng kahulugan kung gagawin ng tama. Ang maliit ay magiging malaki kung pagsasama-samahin. Ang maliit ay magiging makabuluhan kung lahat tayo ay magtutulungan. Alam kong tapos na ang panahon ng pagrerehistro. Pero hindi pa huli ang lahat para makatulong sa bayang iyong kinalalagyan. Gamitin ang kalayaang makapagsalita. Kung hindi ka man makakaboto, maaaring tumulong na lang sa pagkakaroon ng maayos, malinis at matiwasay na halalan.

Huwag tanggalan ang sarili ng kalayaan! Hindi tayo pipi! Ipaglaban ang nararapat para sa ating inang bayan. Dahil naniniwala akong sa bansang Pilipinas natin makakamit ang inaasam nating kaginhawahan! Tulung-tulong, makibahagi, at gamitin ang kalayaan. Ang Pilipinas ay aahon dahil sa akin, sa iyo, at sa lahat ng Pilipinong may paninindigan. Mabuhay!